12th Apr 2014

Araw at Hangin at Buhangin at Jumpshot, Bangui Windmills, Ilocos Norte

(c) Marjorie

24th Feb 2014

Pareho lang naman tayo ng mga pyesa
Ngunit bakit unti unti nang nawawala

Akala ko ang laro ay dama

Ayun.

Perdegana na pala

24th Feb 2014

Anonymous asked: mga ilang buwan na rin mula nang simulan ko ang pag-stalk sa 'yo. salamat sa ilan sa mga kaibigan mo na kaibigan ko rin at nakita ko ang tumblr mo. Napakaraming feels. Nais kong malaman mo na mula sa malayo ay hinahangaan kita, hinahangaan ko ang puso mo.

Hola! Salamat. Ngunit walang kahanga hanga sa akin. Kung may nakita ka mang maganda, yun ay dahil may mga nagmamahal sa akin sa likod ng aking kapangitan. At ganoon tayong lahat. Rakenrol.

24th Feb 2014

extremerainbowhappiness asked: What was the craziest thing a fan did to you? (MISHAEL 5EVER)

Craziest na siguro yung magkaroon ako ng fans in the first place. Haha

24th Feb 2014

extremerainbowhappiness asked: NAKAKAINIS KA KUYA MISHA ANO BA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Ano ulit?

24th Feb 2014

extremerainbowhappiness asked: Huehuehue

Ano?

1st Jan 2014

Old & New Year Feels

Kanina: Ito na ang ating huling gabi.

Mamaya: Ito ang unang araw na wala ka na.

- Huling Gabi, Unang Araw || Sugarfree

Sana’y di ko to makanta nang totoo.

Hehe

31st Dec 2013

Kay bilis kasi ng buhay
Pati tayo natangay

- Burn Out, Sugarfree

Ambilis. Hello 2014.

25th Dec 2013
"Earth is crammed with heaven; and every bush afire with God; but only he who sees takes off his shoes."
Source: Elizabeth Browning

He walked among us. Walking among us. May we see.
23rd Dec 2013

Thoughts on The Hobbit: The Desolation of Smaug

1. It’s getting better and better

2. Thorin saying ‘What say you?’ to the people of Lake-town. Who remembered the scene from LOTR where Aragorn summons the ghost army?

3. Heirs to the throne. Returning. Reclaiming. Ang angas forever ng tema na ito. Naisip ko may konek sa Pasko (Joy to the world the Lord is come. Let earth receive Her King). Wow haha

4. Eowyn + Arwen = Tauriel = Ultimate Crush. Wala akong pake kung dinagdag lang siya. Realistic naman na may mga wood-elves na tumulong sa ating mga bida. At mas kinilig ako sa fight scenes niya kesa sa mga eksena nila ni Kili or Legolas. Hehe

5. Best scene was when Sauron was revealed. Angas.

6. Sana si Aragorn/Viggo Mortensen ipakita sa 3rd part. Porket si Legolas pogi pede na isama ganun tss

7. UTANG NA LOOB SANA MAGKAROON DIN NG MOVIE ADAPTATION YUNG SILMARILLOOOOOON

23rd Dec 2013
TIS THE SEASON TO MAKE KAIN EVERYTHINGEating the Special Awesome Burger of Cafe Antonio, Los Banos.Libre ni Ate Gabes.

TIS THE SEASON TO MAKE KAIN EVERYTHING

Eating the Special Awesome Burger of Cafe Antonio, Los Banos.
Libre ni Ate Gabes.

23rd Dec 2013

wanderchilddd asked: What would you like to say to your Mishawarma fan club? Hart hart poreber. <3 :>

Tama na ang kahibangan. Pa-laos na ko. Hahahaha

19th Dec 2013

'Standing on the edge, between crazy and sane'

Okay.

Meron akong dapat pag aralan na 18 na kanta para sa nalalapit na musical na ‘Ang Karpintero’ bukas.

Meron pang pitong kanta na lalapatan ng chords para sa CECC Christmas Party sa Linggo.

At may nag-aabang na dalawang kanta na lalapatan ng areglo at tono para sa Bonifacio Freak Show. Isang musical sa Pebrero. Kailangang magawa bukas.

Ngunit heto ako ngayon.

Tinatrangkaso.

Sa kabila ng mga nabanggit na awit, ang naririnig ko lang ngayon ay ang:

Tunog ng electric fan

Tibok ng puso

At malalim kong paghinga

Kasabay nito ang pagtugtog ng mga what-ifs ko sa buhay at mga pagkabalisa kung sino ba talaga ako sa aking isip

Napakagandang soundtrip. Heaven.

29th Sep 2013

Ang sabi ng mananahi

Sana’y hindi isang mahabang hilbana

Itong pag-ibig na nadarama

Oh matalim na karayom!

Di ako natatakot sa kirot

Nariyan ang aking puso

Tusukin at padaanan ng mga sinulid

Na magdidikit sa akin

Tungo sa walang hangganan

Tungo sa kanyang piling

8th Sep 2013

Narito ang aking halik ng pagtataksil.

Hayok na hayok na madampian ang mga labi ng grasya.

Masarap pala isalin sa wikang Filipino ang mga favorite songs ko. Some will seek forgiveness, others escape||Underoath